May 8, 2008

AWESOME VOICE... GREAT MOVES... BRIGHT FUTURE

Impressed ang inyong lolaloosh dito sa first-ever talent na pumunta sa I-Sulong Productions Entertainment HQ the last month. And by the way, pasensiya na darling ha at wala ang inyong napakaganda-ever na lololoosh to personally talk with you. Ang dami kasing out of town commitments. Anyway, I trust that ang mga hunks namin dun ay nagbigay ng nice reception sa iyo at manager mo.
As far as the photo and video footages sent to me via internet... o di ba? Bongasious!!! Hitech na ito! Kakaloka talaga. Ito lang ang puwede kong masabi sa iyong performance...
Anne is a 16 year old girl, aspiring to be known for her undoubtedly gracefull and awesome talents which are... take note ha? These are dancing, singing, ang she’s a good speaker. At tulad ng mga napakaraming aspirants to be a well known artist, this young girl here, na based sa mga materials na ipinadala sa akin, may future ito at siyempre, bago gawing career ang showbiz, studies muna jiha?
Bata ka pa, and most important is, magkaroon ng isang magandang education. Anyways, we at I-Sulong Productions will be giving you enough publicity and exposures para makilala ka. Exposure through the various medium na handled ng productions such as print, radio, cable, internet, at iba pa. O di ba? Bongasious!!!
Ayon sa kanyang manager, the girl performs relatively well although hindi nakasali sa prestihiyosong Anilag Festival’s Bb Laguna. Sayang naman, may boses pa man din. Anyway, tulad ng isa sa mga na-feature ng inyong lolaloosh na hindi din nakapag-entry ever, ayun ang darling, nakasali naman sa Miss Teen Philippines. Hoy hija! Hindi ka pa nagpapakita sa amin ha?! Good luck na din.
Sa mga darating pang issues, kikilalanin natin ng husto itong si darling Anne. Ipakikita din natin sa ating Internet Site... grabe na itetch! Ang kanyang husay sa pag-awit. Galingan mo girl, malay mo, who knows ever, magdilang angel ang inyong lolaloosh, and you make it doon sa napakataas na karurok-rurokan ng tagumpay... basta’t huwag lang makakalimot darling ha? Lumingon sa iyong pinang-galingan, di baleng mabangga, huwag lang hindi ka titingin sa iyong likod... malay mo may nakasunod na... maagaw pa sa iyo ang trono mo. Good luck sa iyo Anne sa iyong tatahakin.

1 comment:

garlan said...

hey anne, your voice is very good!!!!i can see charice pempengco in you!upon knowing little info in your video i can picture out your future!!!!
your beautiful and very talented just keep it up!!!